Martes, Oktubre 4, 2011

" Ang mga Labi mo "


Ang mga labi mo ay dalawang langit,
Langit-na di bughaw, ni langit ng hapis,
Labi ng bulaklak na kapwa ninibig
Labing mababango, sariwa't malinis.

Labi ng sampagang may pait at awa,
Tipunan ng pulot, tamis at biyaya,
Sisidlang ang lama'y kabang̃uhang pawa,
Pook na tipanan ng hamog at diwa.

Tagapamalita ng lihim ng puso,
May oo at hindi, may tutol at samo,
May buhay at palad, may tula't pagsuyo.
Ang̃ mg̃a labi mo'y may pulót na tang̃i
Kung iyan ang aking pagkaing palagi'y
Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento