Martes, Oktubre 4, 2011

" Ang Kalikasan "


Kalikasa'y ating pag-ingatan, 
Nang magamit sa kinabukasan. 
Likas na yaman ating mahalin, 
Ito'y para sa atin din. 

Kalikasan ay magandang tunay, 
Na nagbibigay sa 'tin ng buhay. 
Nang inabuso ng mga tao, 
Ang kapaligiran ay yumao. 

Kalikasan lubos na nawasak, 
Kaya tayo'y sa dusa nasadlak. 
Ito'y dahil sa ating kapabayaan, 
Tayo na't gumawa ng paraan. 

Kalikasan ating alagaan, 
Panatilihin ang kagandahan, 
Kalikasan ating payabungin, 
Nang ang Diyos Ama ay sumaatin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento