Miyerkules, Oktubre 5, 2011

" Ang Alamat ng Cellphone "


    Minsan sa isang maliit na bayan sa bibig ng look ng Maynila, may isang mag-ina, isang mag-ina na katulad ng maraming Pilipinong pamilya ay napilitang mapaghiwalay ng milya-milyang dagat. Katulad ng madaming pamilya ng bagong henerasyon ang ilaw ng tahanan, ang dapat na mapangpatnubay na mga kamay ng isang ina ay naghuhugas ng plato sa isang banyagang lupain.
            Siya si Pinang. Tatlumpo’t limang taong gulang at isang OFW, napilitan siyang iwanan ang kaniyang anak na si Cellie sa kaniyang tiyahin na si Aling Insiang.
            Sa pagpalaot niya sa Estados Unidos nakipagsaplaran siya, lingid sa kaniyang kaalaman na ang tadhana pala’y lalo lamang mas napasaklap sa pagalis niya sa baying sinilangan.
            Nakahanap siya ng isang disenteng trabaho bilang isang sertbedora sa isang local na “fastfood” sa California, pero para nga namang nagbibiro ang tadhana, makalipas lamang ang tatlong lingo matapos siyang matanggap sa trabaho, biglaang nagsara ang restawran na kaniyang pinagtratrabahuhan.
            “The economic crisis was too big to avert. It was simply inescapable. Sorry guys. It seems this is goodbye.” Ani ng kaniyang Amerikanang boss.
            “Ano daw? Wala akong naintindihan.” Tanong ni Pinang sa kaniyang Pilipinong katrabaho.
            “Magsasara na daw. Naapektuhan ng krisis sa ekonomiya.” Ani ng kaibigan.
            “Ha!?! E paano tayo?” Pasigaw na sagot ni Pinang.
            “Ewan ko din. Hanap tayo ng ibang trabaho, kahit ano, baon ako sa utang.” Malamlam na sagot ng kaibigan ni Pinang.
            Natagalan bago nakahanap si Pinang ng trabaho. Ginalugad niya ang bawat sulok ng estado, nakitra sa mga kapwa Pilipinong nagmagandang loob na tumulong, at pumayag na magpabataris kapalit ng ilang dolyar na maipapadala sa anak.
            Sa sobrang desperasyon napilitang mangalkal ng basura si Pinang, naghahanap ng ilang kapirasong lata at plastic na pinaglumaan. Sa isip niya sinasabing: “Para to kay Cellie, kahit ano gagawin ko.”
            Hindi niya namalayan na ilang taon na ang lumipas simula nung unang umalis siya ng Pilipinas. At kagaya ng dagat na naghihiwalay sa kanilang mag-ina, lalung lumawak ang kawalan ng amor sa kaniya ng anak. Dahil hirap na magamay ni Pinang ang makabagong teknolohiya hindi niya makausap ang anak, at nasanay ito ng wala siya.
Matapos ng sampung taon sa Amerika, napagod na si Pinang at ninais na niyang umuwi sa Pilipinas. Nag-ipon lang siya ng kaunting pera para makauwi na, sabik na siyang makauwi sa Pilipinas matapos ang sampung taong malaimpyernong buhay sa Amerika.
Ang problema lang ay hindi na siya kilala ng anak na si Cellie, ni litrato niya’y hindi man lamang nakita nito habang lumalaki, at hindi rin nakatulong ang patuloy na panunulsol na nakagisnang ina ni Cellie na si Aling Insiang.
“Nasaan si Inay?” tanong ni Cellie.
“Iniwan ka na! Hindi ka mahal!” sagot ng matandang hukluban.
            Sa paulit-ulit na pagkakasabi nito unti-unting naniwala ang bata. Hanggang sa ito ay tumanda at nagkaisip, buong galit niyang inakala na  tinalikdan na siya ng kaniyang ina.
            Nung araw na dumating si Pinang, walang sumundo sa kaniya sa paliparan. Wala ang mga inaasahang mainit na pagtanggap. Sinubukan pa rin niyang kunsulahin ang sarili. “Baka nawala lang sa isip nila.” Ani niya.
            Pagdating ni Pinang sa kaniyang dating tirahan laking gulat niya ng makitang wala pa rin itong ipinagbago samantalang napakalaki naman ng iginanda ng bahay ng pinsang si Insiang. Nakita niya ang isang animoy 10 taong gulang na bata sa labas ng bahay ni Insiang na nagwawalis.
            “Cellie?” Tanong ni Pinang.
            “Sino po sila?” Ganting tanong din ng bata.
            “Si Pinang. Ang Inay mo!” Umiiyak na sagot ng Ina.
            “Nanay Insiang! Nanay Insiang!” Atubiling panawagan ng bata sa nakilalang Ina.
            “Bakit na naman! Kay aga-aga kung makasigaw ka parang wala ka ng isisigaw pa!”
            “Ate Insiang?” Tanong ni Pinang.
            “Pinang? Pinang! Ikaw ba yan! Diyos ko, ikaw nga! Halika! Pasok! Pasok!”
            “Bakit ganito? Bakit ganito ang nagyari? Bakit ganito ang itsura ng bata?” Turo ni Pinang sa nanlilimahid na bata.
            “Ate naman, lingo-linngo akong magpadala, bakit parang walang nangyari?” Pabintang na tanong ni Pinang.
            “Aba Pinang ayusin mo yang pagsasalita mo, pinalalabas mo bang ginasta ko ang mga padala mo?” Galit na sagot ni Aling Insiang.
“Hindi naman ate, nagtatanong lang ako kung ano ang nangyari?” Pilit na sagot ni Pinang.
Matapos ang mga pangyayari sinubukang kunin ni Pinang si Cellie ngunit ayaw nitong sumama sa kaniya. Masyado ng mahaba ang panahong nawala para magkakilala ang mag-ina. Wala ng pag-asa para maibalik pa ang nawalang panahon.
Ilang beses sinubukan ni Pinang na amuin ang anak. Binibilhan niya ng laruan, pagkain , at damit si Cellie subalit talagang ilang ang bata sa kaniya.
Kinausap niya minsan ang anak:
“Ayaw mo ba sa akin?” Tanong ni Pinang.
“Hindi naman po, talaga lang nag-aadjust ako. Sampung taon ko din po kayong hindi nakasama. Sampung taon na kahit sulat man lang ay wala akong natanggap. Sampung taon na kahit minsan ay hindi man lamang po kayo gumamit ng telepono, para tumawag.”si Cellie, nanunumbat.
“Hindi naman sa ayaw ko…hindi lang ako marunong…pasensiya ka na.”Malungkot na sagot ng Ina.
“Sampung taon na po akong nagpapasensiya. Pagod na po ako. Iwanan niyo na lang po ako. Hindi ko nap o kayo kailangan.” Galit na sagot ng anak.
“Anak, bigyan mo pa ako ng pagkakataon.” Pakiuasap ni Pinang.
“Wala po tayong komunikasyon dati siguro naman ay kaya pa niyong tiisin yun.” Ani ni Cellie.
“Anak ko…”
Ng biglang kumidlat at kumulog at yumanig ang lupa. Isang matinding liwanag ang bumalot sa buong pagkatao ni Cellie, sa sobrang galit ng kalikasan sa panglalapastangan niya sa kaniyang ina, ginantihan siya nito.
Unti-unti siyang lumiit, ang kaniyang mukha ay naging isang blanking screen, mula sa kaniyang tiyan lumabas ang mga pindutan, ang kaniyang mga mata’y naging camera. Mula sa pagiging isang bata si Cellie ang anak ni Pinang ay naging telepono. Isang bagay na walang buhay, pero isang bagay na sana’y nagamit ni Pinang para matawagan ang anak. Isang kagamitang pankomunikasyon, yun na lamang si Cellie ngayon.

14 (na) komento:

  1. anong pinagmulan ng cellphone

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Alam nating lahat na ang nag imbento ng unang cellphone ay si Martin Cooper at ang practical american cellphone ay si Alexander Graham Bell

      Burahin
  2. hindi ko maintidihan ang aral nito :)

    TumugonBurahin
  3. tngina mo bobo mo ~ Alexis Gavan add me on FB

    TumugonBurahin
  4. 0101010101010010101010100101101010011010101100101010101100110010110101010101101010101101010010101010101010101101110010101001010101010¹01000011010100110101010¹101010101101¹

    TumugonBurahin
  5. anong aral ang naandito?

    TumugonBurahin