Miyerkules, Oktubre 5, 2011

" Ang aking Talambuhay "

March 13 1991, Araw na iniluwal ni Judith B. Diaz ang isang baby na cute na cute na nagngangalang Joseph Nathaniel B. Diaz sa San Roque Hospital  dito sa Malolos. Sa Sta. Maria Bulacan talaga kami nakatira dahil doon ang bahay ng aking ama na si Jun C. Diaz. Tatlong taon lang kami sa Sta. Maria at lumipat na kami sa Sta. Cruz sa Maynila. Doon kami nagaral ng aking kapatid na nagngangalang Jervin Diaz. Hanganng grade two lang ako doon dahil lumipat na kami sa Malolos noong year 2000. Sa Malolos kami nagpatuloy ng aming pagaaral. Sa Lords Angels Montessori School ko tinuloy ang aking elementarya. Sa University of Regina Carmeli ko naman tinapos ang aking hayskul. Medyo naging malayo ang binabyahe ng aking mga magulang dahil sa Maynila at Quezon City sila nagtatrabaho. Ang trabaho ng aking tatay ay Manager sa isang fine dining restaurant, ang nanay ko naman ay supervisor sa hotel.
Dito na rin ako halos sa Malolos ako lumaki. Dito na ako nagkaron ng isip. Dito na rin ako nagkaron ng maraming kaibigan at kasintahan. Kristina Bucao ang pangalan ng kasintahan ko. Halos anim na taon na din kami.

" Ang alamat ni Internet "

Ang Internet ay nagsimula noong 1950s and 60s. Inumpisahan nila ito sa point to point communication ng mainframe kompyuters at terminal. Lumago ang kanilang pagiimbento at naging progresibo ang kanilang pagaaral. Naging packet switching ang kanilang proseso. Nakagamit sila ng iba't - ibang protocols. Noong 1982, naging standard na ang kanilang protocol at sila ay magkakakonekta na sa iba't ibang panig ng mundo, dito na napakilala ang Internet. Lumawak pa ang naging sakop ng internet. Nandiyan ang pagtetext, email, video calling, ang world wide web, forums discussions, blog atbp.
Lumawak ang naging kahalagahan ng internet sa tao. Nandito ang pagbibigay ng kaalaman, business, entertainment atbp. Noong 1993, Ang Internet nakakapagdala lamang ng 1% ng impormasyon sa dalawang daan para sa telecomunikasyon. Nang dumating ang taong 2000 naging 51% ito. Pagdating ng 2007 halos 97% ng impormasyon na telecomunicated ay nasa internet na. Napakalaki ng ambag ng internet sa buhay ng bawat tao. 

" Ang Alamat ng Cellphone "


    Minsan sa isang maliit na bayan sa bibig ng look ng Maynila, may isang mag-ina, isang mag-ina na katulad ng maraming Pilipinong pamilya ay napilitang mapaghiwalay ng milya-milyang dagat. Katulad ng madaming pamilya ng bagong henerasyon ang ilaw ng tahanan, ang dapat na mapangpatnubay na mga kamay ng isang ina ay naghuhugas ng plato sa isang banyagang lupain.
            Siya si Pinang. Tatlumpo’t limang taong gulang at isang OFW, napilitan siyang iwanan ang kaniyang anak na si Cellie sa kaniyang tiyahin na si Aling Insiang.
            Sa pagpalaot niya sa Estados Unidos nakipagsaplaran siya, lingid sa kaniyang kaalaman na ang tadhana pala’y lalo lamang mas napasaklap sa pagalis niya sa baying sinilangan.
            Nakahanap siya ng isang disenteng trabaho bilang isang sertbedora sa isang local na “fastfood” sa California, pero para nga namang nagbibiro ang tadhana, makalipas lamang ang tatlong lingo matapos siyang matanggap sa trabaho, biglaang nagsara ang restawran na kaniyang pinagtratrabahuhan.
            “The economic crisis was too big to avert. It was simply inescapable. Sorry guys. It seems this is goodbye.” Ani ng kaniyang Amerikanang boss.
            “Ano daw? Wala akong naintindihan.” Tanong ni Pinang sa kaniyang Pilipinong katrabaho.
            “Magsasara na daw. Naapektuhan ng krisis sa ekonomiya.” Ani ng kaibigan.
            “Ha!?! E paano tayo?” Pasigaw na sagot ni Pinang.
            “Ewan ko din. Hanap tayo ng ibang trabaho, kahit ano, baon ako sa utang.” Malamlam na sagot ng kaibigan ni Pinang.
            Natagalan bago nakahanap si Pinang ng trabaho. Ginalugad niya ang bawat sulok ng estado, nakitra sa mga kapwa Pilipinong nagmagandang loob na tumulong, at pumayag na magpabataris kapalit ng ilang dolyar na maipapadala sa anak.
            Sa sobrang desperasyon napilitang mangalkal ng basura si Pinang, naghahanap ng ilang kapirasong lata at plastic na pinaglumaan. Sa isip niya sinasabing: “Para to kay Cellie, kahit ano gagawin ko.”
            Hindi niya namalayan na ilang taon na ang lumipas simula nung unang umalis siya ng Pilipinas. At kagaya ng dagat na naghihiwalay sa kanilang mag-ina, lalung lumawak ang kawalan ng amor sa kaniya ng anak. Dahil hirap na magamay ni Pinang ang makabagong teknolohiya hindi niya makausap ang anak, at nasanay ito ng wala siya.
Matapos ng sampung taon sa Amerika, napagod na si Pinang at ninais na niyang umuwi sa Pilipinas. Nag-ipon lang siya ng kaunting pera para makauwi na, sabik na siyang makauwi sa Pilipinas matapos ang sampung taong malaimpyernong buhay sa Amerika.
Ang problema lang ay hindi na siya kilala ng anak na si Cellie, ni litrato niya’y hindi man lamang nakita nito habang lumalaki, at hindi rin nakatulong ang patuloy na panunulsol na nakagisnang ina ni Cellie na si Aling Insiang.
“Nasaan si Inay?” tanong ni Cellie.
“Iniwan ka na! Hindi ka mahal!” sagot ng matandang hukluban.
            Sa paulit-ulit na pagkakasabi nito unti-unting naniwala ang bata. Hanggang sa ito ay tumanda at nagkaisip, buong galit niyang inakala na  tinalikdan na siya ng kaniyang ina.
            Nung araw na dumating si Pinang, walang sumundo sa kaniya sa paliparan. Wala ang mga inaasahang mainit na pagtanggap. Sinubukan pa rin niyang kunsulahin ang sarili. “Baka nawala lang sa isip nila.” Ani niya.
            Pagdating ni Pinang sa kaniyang dating tirahan laking gulat niya ng makitang wala pa rin itong ipinagbago samantalang napakalaki naman ng iginanda ng bahay ng pinsang si Insiang. Nakita niya ang isang animoy 10 taong gulang na bata sa labas ng bahay ni Insiang na nagwawalis.
            “Cellie?” Tanong ni Pinang.
            “Sino po sila?” Ganting tanong din ng bata.
            “Si Pinang. Ang Inay mo!” Umiiyak na sagot ng Ina.
            “Nanay Insiang! Nanay Insiang!” Atubiling panawagan ng bata sa nakilalang Ina.
            “Bakit na naman! Kay aga-aga kung makasigaw ka parang wala ka ng isisigaw pa!”
            “Ate Insiang?” Tanong ni Pinang.
            “Pinang? Pinang! Ikaw ba yan! Diyos ko, ikaw nga! Halika! Pasok! Pasok!”
            “Bakit ganito? Bakit ganito ang nagyari? Bakit ganito ang itsura ng bata?” Turo ni Pinang sa nanlilimahid na bata.
            “Ate naman, lingo-linngo akong magpadala, bakit parang walang nangyari?” Pabintang na tanong ni Pinang.
            “Aba Pinang ayusin mo yang pagsasalita mo, pinalalabas mo bang ginasta ko ang mga padala mo?” Galit na sagot ni Aling Insiang.
“Hindi naman ate, nagtatanong lang ako kung ano ang nangyari?” Pilit na sagot ni Pinang.
Matapos ang mga pangyayari sinubukang kunin ni Pinang si Cellie ngunit ayaw nitong sumama sa kaniya. Masyado ng mahaba ang panahong nawala para magkakilala ang mag-ina. Wala ng pag-asa para maibalik pa ang nawalang panahon.
Ilang beses sinubukan ni Pinang na amuin ang anak. Binibilhan niya ng laruan, pagkain , at damit si Cellie subalit talagang ilang ang bata sa kaniya.
Kinausap niya minsan ang anak:
“Ayaw mo ba sa akin?” Tanong ni Pinang.
“Hindi naman po, talaga lang nag-aadjust ako. Sampung taon ko din po kayong hindi nakasama. Sampung taon na kahit sulat man lang ay wala akong natanggap. Sampung taon na kahit minsan ay hindi man lamang po kayo gumamit ng telepono, para tumawag.”si Cellie, nanunumbat.
“Hindi naman sa ayaw ko…hindi lang ako marunong…pasensiya ka na.”Malungkot na sagot ng Ina.
“Sampung taon na po akong nagpapasensiya. Pagod na po ako. Iwanan niyo na lang po ako. Hindi ko nap o kayo kailangan.” Galit na sagot ng anak.
“Anak, bigyan mo pa ako ng pagkakataon.” Pakiuasap ni Pinang.
“Wala po tayong komunikasyon dati siguro naman ay kaya pa niyong tiisin yun.” Ani ni Cellie.
“Anak ko…”
Ng biglang kumidlat at kumulog at yumanig ang lupa. Isang matinding liwanag ang bumalot sa buong pagkatao ni Cellie, sa sobrang galit ng kalikasan sa panglalapastangan niya sa kaniyang ina, ginantihan siya nito.
Unti-unti siyang lumiit, ang kaniyang mukha ay naging isang blanking screen, mula sa kaniyang tiyan lumabas ang mga pindutan, ang kaniyang mga mata’y naging camera. Mula sa pagiging isang bata si Cellie ang anak ni Pinang ay naging telepono. Isang bagay na walang buhay, pero isang bagay na sana’y nagamit ni Pinang para matawagan ang anak. Isang kagamitang pankomunikasyon, yun na lamang si Cellie ngayon.

" Ang Alamat ng Kompyuter "



Noong unang panahon ang mga gamit pa lang ng mga tao sa pagbibilang ay mga bato at kahoy pa lamang,
Hindi pa sila marunong magbilang at magsulat. Hanggang naimbento ang mga iba pang uri ng kagamitan na tumulong
sa pagbibilang gaya ng abaccus. Ang abaccus ay sinasabing unang kompyuter. Nandiyan din ang calculator at iba pa. Pero sa modernong panahon ngayon, Ang pinakamadaling gamitin ay ang
Computer. Ang kompyuter ay binubuo ng mga iba't ibang bahagi. Nandiyan ang mouse, monitor, kibord, speaker, at iba pa.
Hinalintulad ang kompyuter sa makinilya o typewriter. Hindi sila nagkakalayo ng pinagmulan. Isang pagkakaiba ng makinilya sa
compute, kapag nagkamali ka uulit ka ulit sa umpisa. Sa kompyuter mababago at mababago mo kapag nagkamali ka.Maraming tao ang tumulong sa 
pagpapaunlad ng kompyuter. Isa na si Bill Gates sa mga taong ito na nagambag ng napakalaking bagay para makilala at magamit ng tao
ang kompyuter sa buong mundo. Sa ngayon halos lahat ng bagay ay may kinalaman sa computer dahil nasa modernong panahon na tayo.
Pinapagaan ng kompyuter ang gawain ng tao.

" Isang maiksing sanaysay tungkol sa Cict Week "




Ang Cict week ay isang pagdiriwang ng mga estudyante at guro sa Cict.
Maraming palaro ang maaring salihan ng estudyante. Katulad ng
basketbol, volleybol, sepaktakraw atbp. Meron pa ngang mga
Computer games competition katulad ng dota tournament ng Cict.
masaya ang aming week dahil pinaglalaanan talaga ito ng effort at
pondo para maging masaya ang mga estudyante at mga guro.
Ngayong taon ay di namin masyadong naramdaman ang Cict week, kasi meron kaming pasok. Dati naman wala kaming klase pag Cict
week. Nanonood lang kami sa mga participante na naglalaro.
Maraming estudyante ang nakaramdam nito hindi lang ako.
Para siyang isang normal na araw, na dapat ay nagsasaya kami at
nakikisali sa mga palaro at aktibidad na pwedeng salihan. 
Mas pipiliin ko pa yung mga nakakaraang taon na Cict week dahil mas masaya at nakakasali ang mga gustong sumali.

Martes, Oktubre 4, 2011

" Ang Lura ng Demonyo "


Noong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal) para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon.
Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis siya rito. Tumawid na siya rito. Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng maraming taong papalapit, na may dala-dalang mga naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo ng isang pinuno kasama ng kanyang mga ayudante. Kaya umalis siya sa daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim ng tulay.Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay ang mga tao. Nag-isip tuloy siya kung sino kayang pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga tao. Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang mata, samantalang ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na gulat ang lalaki sa nakita niya.
"Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni..
"Hulihin natin!" sabi naman ng isa.
Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka kainin siya ng mga ito at itinalaga na niya ang sarili sa kanilang gagawin. Pero walang ipinahiwatig na kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay kainin ang lalaki at itinulak siya nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila nag-alisan. Nakahinga nang maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay. Dali-dali na siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay, ayaw siyang kausapin ang kanyang pamilya bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga iyon.
" Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya kung ano'ng nangyayari sa kanila.
Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita dahil sa dura ng mga oni. Nakikita niya ang kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng mga ito, pero mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito siya sa pangyayaring nagaganap.
Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang pamilya ng lalaki dahil nawawala ito sa piling nila. Di-mapalagay niyang pinagtatawag ang kanyang kamag-anakan at sinabing kasama siya ng mga ito sa bahay, pero wala ring nangyari. Kahit tinatapik pa niya sa ulo ang kanyang mga anak, tila hindi nararamdaman ng mga ito ang kanyang kamay. Sa pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama, sa pag-aakalang nawala na nga ito. Samakatwid ang Bagong Taon ay naging araw ng trahedya para sa kanila at nagdaan pa ang maraming malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang natitirang paraan sa kanya kundi humingi ng tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad niyang binisita ang Dambana ng Rokkaku-do.
" O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nag-alay siya ng mga taos-pusong panalangin sa Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo.
Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa panaginip, nakatagpo raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na lumitaw mula sa likod ng kurtinang kawayan at mataimtim na nagsabi sa kanya: "Ay, aking masugid na tagasunod! Umalis ka rito bukas nang umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang taong masasalubong mo sa daan pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!"
Nagpatirapa siya sa harap ng pari. Nang magising siya, maliwanag na.
Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may nasalubong na siyang isang pastol. Naisip niya na ito ang tinutukoy ng Buddhistang pari sa kanyang panaginip. Nilapitan siya ng pastol at sinabi nito: "Kumusta, mahal kong kaibigan, sumama ka sa akin." Ikinatuwa ng malungkot na lalaki na nakikita na siya ng iba, at dahil dito'y kaagad siyang sumunod sa pastol. Naglakad sila nang kaunti at nakarating sa tarangkahanng isang malaking palasyo. Itinali na pastol ang kanyang baka sa isang kalapit na puno saka lamang nito binuksan nang bahagya ang bakod at sinenyasan ang lalaki na sumunod sa kanya. Sinabi ng lalaking di-makita na imposible niyang magawa iyon dahil napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y nananaginip pa rin siya.
Dinala siya ng pastol sa laloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kwarto sa bandang likuran. Nakaratay sa higaan ang isang matanda ngunit mayasakit na prinsesa ng mansion. Binabantayan ito na kanyang mga magulang-ang senyor at senyora-at lahat ng katulong ay pawing nababahala sa kanyang karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang pastol ay dir in nakikita ng ng karaniwang tao. Natuklasan ng lalaki na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo siyang nawalanng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng kahoy na martilyo ang ulo ng maysakit na prinsesa. Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya ang prinsesa, namimilipit ito sa sakit. Sa ganoto, inakala ng senyor at senyora sa namamatay na ang kanilang anak. Kaagad silang nagpatawag ng Buddhistang pari para paalisin ang anumang masamang espiritu na gumagambala sa anak nilang maysakit.
Hindi nagtagal, dumating ang isang butihing pari at nagdaos ng mga dasal upang playasin ang masamang espiritu. Umawit ito ng panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-nakikitang lalaki sa ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba pang panalangin ang pari. Gulat na gulat ang di-nakikitang pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang kimono. "Sunog, sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-gulong sa lapag. Sa sumunod na sandal, lumitaw ang kanyang kabuuan. Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan sila: "Saan siya nanggaling?"
Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal na inusisa siya ng senyor tungkol sa kanyang biglang paglitaw. Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang kanyang kakaibang abentura. Sabin g pari: " Isang milagro 'yan. Marahil ay ginusto ni Kannon-sama ng Dambana ng Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito gayundin, na gumaling ang prinsesa." Milagro talaga na nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay na gumaling din ang prinsesa..

" Mabangis na Lungsod "


Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.
       Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
     Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
     Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
        Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
       Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
      Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
       Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
      At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
     "May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
    At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
   Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
    Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
   "Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
    Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
   Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
   "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
   Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
   Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
  Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
  Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
  Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.